« tula #2 | Main | plawer por u »

February 24, 2008

Tu Quoque

Tukoke? Tukok? Hindi ko alam kung bakit sa kinadamidamihang logical fallacies ito pa ang tumanim sa kokorte ko na hindi ko man lang ma pronounce pronounce.

Sabi ni Dadufalza, this means “you also” –(1) answering a charge by saying that your opponent is guilty with the same thing, (2) accusing your opponent of acting in a manner not consistent with what he said in the past.

Bale, hindi daw valid makipag-away kung ganito ang takbo ng pag-uusap nyo:

Adolf Hitler: “Wala kang habag! Paano mo nagawa patayin ang ipis? Wala kang respeto sa kahalagahan ng buhay!”

Inday: “What are you trying to insinuate? That I am by far more evil than you who have concocted a tremendously grave act of genocide? You devilish being have absolutely no legitimacy to comment on the matter!

Ang tama sa mata sa tingin ng matanda, tama sa tingin ng bata moment

Bata 1: Sabi mo kukunin na ng mga amerikano si Pong pagong!

Bata 2: Sabi mo tatay mo si Mcgyver! 

Dati kong Pag-ibig: “Napaka liberal mo talaga! No to Liberalism! Kailangan maging disiplinado para mag-progress! Tagapag-sulong ako ng moralidad! At hindi basta basta nakikipag sex sa hindi nya karelasyon ang mga tagapag-sulong ng moralidad! Roar!”

Ako: “Ah ayaw mo sa pagiging liberal ko kaya pala nabuntis mo yung naka-one night stand mo, ok.”

Low sad the: “Sobra na po talaga sila maka-kick back sa budget ng government projects.”

Deaf and sore: “Ikaw nga may mga imported na kambing eh.”

May pinahabol pa sa depinisyon ng Tu Quoque:

The inconsistency possibly says something about the character of the one who changed his tune, but it does not necessarily make his stand invalid.

Sayang dahil madali pa man din makasira ng credibility ang pamemersonal at very useful ito sa mga pang araw-araw na pakikipag away sa chismosa mong kapitbahay na mas madami pang baho sayo at very handy din sa pag-papaguilt trip mo sa boylet mo tungkol sa naka-fling nya 10 years ago if ever mahuli ka nya na may kinakarir na iba ngayon.

Badtrip din dahil hindi mo mababato sa kalaban mo ang pagkakaroon na parehong pagkakamali sa iyo para magmuka itong justified. Kasi nga naman para na din yong umamin na

mali

ang ginawa mo, naghanap ka lang ng kadamay. At dahil nga fallacy ito, based on what is rational and objective ang argumento ang isyu dito: kung anti-life ka nga ba, sinungaling, manyakis o proponent ng kleptocracy. Kiber kung sino man ang nag-aakusa.

Buti na lang hindi ako logical na tao.

Ang akin kasi, dapat may congruency ang konsepto mo ng tama at

mali

sa ginagawa mo (syempre ibang usapan na kung ang hindi magka-tugma ay ang mga pinaniniwalaan natin with regards sa morality) at pag hindi ito nag-tugma, wala kang karapatang pangaralan ako. Period.   

Naalala ko si Clifford ang batang pamangkin ng kaklase ko dati sa high school. Pag tinatanong sya kung ano ang dapat gawin pag katapos kumain agad siyang sasagot ng “maghugas ng pinagkainan” pero pag tinanong mo sya kung bakit parati syang hindi naghuhugas ng kinakainan nya sasagot sya ng “’yun lang ang tamang gawin pero di ko sinabi na gagawin ko.” Nagtawanan sila ng marining ito. Kinilabutan ako.

                            

Comments

HOY! musta na you? Kumusta na sina Rhobee at yung iba kong mga sis? Uwi ako sa May, pwedeng makita ang kagandahan mo? Andyan daw si Junjun eh! Siguro May 10 or earlier para makaattend ako nang reunion namen sa Aquinas! Visit mo naman ang palasyo ko! Kelangan ko nang magbagbag damdaming kagandahang gaya mo! www.reynaelena.com!!!

Your sister lola! hehehe!!

Tu Quoque ang sabi ng maarteng Gecko...hehe

Post a comment

Post a comment

Name:

You are currently signed in as .