« iskema nanaman kay jules artieda | Main | Tu Quoque »

January 25, 2008

tula #2

Yosi break exclusive

Hindi ka akin mahal

Ni ang mga labi mong

Minamarkahan

Ang bawat hulma ng aking katawan

Ni ang mga mata among

Humuhubad

Nagpapainit sa aking kaluluwa

Ni ang mga kamay mong

Dinidiktahan

Ang bawat pintig ng aking puso

Sa mga piling pagkakataon na tayo’y nagiging isa

Nagtatagpo

Sa dulo

Ng katawan

Isip

At kanya-kanyang mundo

Natutukso akong maging madamot

Ngunit may metro ang ating oras

Bukas tatangkain mo muling buuin

Ang kinabukasan n gating basag na nasyon

Mahal

Lulusawin mo nanamn ba ako sa usok

Ng iyong sigarilyo?

Magtatago nanaman ba ako sa sulok

Ng iyong kamalayan

Asawa mo ang kilusan

At ako

Ang babaeng naiwan sa kama

Hubad sa saplot at pag-unawa

Ang iyong kabit

Mali

Mali nang matigang pa ako

Sa iyong atensyon

Makahon

Bilang tagahintay

Taga-aliw

Taga-mahal

Kailanga ko nang magbihis

Maghanap ng sarili kong apoy

Nananabik na ako sa panahon

Na buong pag-mamahal kong maipagmamalaki

Hindi na din ako sa iyo

                            

Comments

Post a comment

Post a comment

Name:

You are currently signed in as .