« neruda and dateless sundays | Main | iskema nanaman kay jules artieda »

July 03, 2007

sori

(para kay pangkie)

nung isang linggo pinatago mo sa akin ang tula ni joey
yumabang ang puso ko alam kong ang pag-ibig na tinutukoy dun ay hindi para sa kanino mang mortal na babae
ngunit pinili mo pa rin itong nakawin at ibigay kasabay ng iyong ngiti para sa akin-- ako na hindi mo pa nakikita pag madilim ang kalangitan
at kapag naubos na ang usok ng sigarilyong ikaw na din ang bumili
ni hindi mo man lang alam ang mga nagtatagong katauhan sa akin: dinaig ko pa si sybil--
o halimbawa ang malungkot na puno ng balete
ang tahanan ng mga lamang lupang walang takot mong ipinaghele at kinuwentuhan ng storya ng pag-ibig
bukas pagtapos ng iyong kaarawan
ipapaalala ko saiyo kung paano kita ginawan ng istatwa sa bawat luha ng kandila malalaman mo na ang pagpapatulo ko nito dahan-dahan tungo sa luma kong sugat, iniibsan ang nauna nang sakit sa mga panahong iyon,
sana maintindihan mo kung ikukulong na din kita sa loob ng aking mga sanga

                            

Comments

nakalulunod ang entry na ito karen...miss you...

Psst! You guys have drowing talent? Wanna win Php10,000??? Di eto drama, totoo to!

Project: OFW Slogan & Logo Design Competition gives you Php10,000!

http://reynaelena.com/2007/09/05/project-ofw-logo-contest/

Post a comment

Post a comment

Name:

You are currently signed in as .