« i am sorry ate glo | Main | neruda and dateless sundays »

April 14, 2007

Growing up UP and AWAY!!!!

132sabi ng isang text sa akin ng isang kaibigan 'maturity comes when you have the feeling that no one else will come to your rescue but yourself.'

i woke up this morning realizing that i have made a mess out of my life, again. nang haharass nanaman ung naka-date kong psycho version ni marc logan, may problema pa ako sa land lady ko dahil nahulihan ako na may plancha sa room, wala akong pera, wala akong trabaho, wala akong syota at tumaba pa nga ata ako ng quarter of an inch. when i struggled to get myself out of the bed to get some breakfast nagkasagutan pa kami ni mama dahil sa pinagpipilitan kong strong correlation between sa laban ni paquiao at sa traffic. may mga araw talaga na ginigising ka ng puro problema na parang malamig na tubig na sinaboy s'yo.

nag sorry ako kay mama,kumain ng tasty at bago ako umalis papuntang maynila, sinabihan nya ako na galingan ko daw mag sinungaling para hindi makapagmulta at kung sakali mang mahuli ako at mag multa ako bayaran na lang daw namin, wala na daw syang magagawa kahit pagalitan pa nya ako. nangyari na yon. i felt like a complete bum while all this litany was going on. eto ako 22, at pinoproblema pa din ng nanay ko ang mga kapalpakan ko sa buhay.

habang nasa bus nag-iisip na ako ng kasinungalinang pwede kong ma-formulate. buti na lang at tutulungan ako ng room mate kong si crissie kung paanong 'hindi mag papahuli ng buhay.' may saviour nanaman ako. medyo na comfort ako sa idea na yon pero at the back of my mind nagsusumiksik ung text sa akin ng kaibigan ko. shet. i am being dependent nanaman. naisip ko lang paano kaya pag wala si mama, wala si crissie? o wala si mark na last hope ko para mautangan pambayad sa dorm? malamang pupulutin ako sa kangkungan.

lahat na nga ata ng problema ko ngayon related sa dependency. kung hindi ako nakipag date para ma fill-up ung need ko sa pagkakaroon ng taga-dala ng bag o taga libre ng lunch sana walang pyscho na naggugulo sa akin ngayon, kung hindi ako nasanay na may sumisita sa akin pag naiiwan ko ang plancha na pakalat kalat sa room di sana naalala kong maitago ung lecheng plancha na yun, kung hindi ako naging emotionally dependent sana hindi na ako umalis ng UP at graduate na ako by this time at may work na.

alam ko technically what to do i just can't bring myself to do it. kung para lang akong si pokemon na nag eevolve sa bawat battles wala sana akong problema ngayon. i need a maturity spurt and i need it NOW!

Comments

Wow, astig yung title...parang before and after puzzle lang sa wheel of fortune...

Ehem...
Di lang ikaw ang ganyan Karen...

Some Pokemon have no evolution eh...baka ganun nga...baka mature na tayo at hindi lang natin napapansin...maybe in some ways....ala lang...hehe....

Post a comment

Post a comment

Name:

You are currently signed in as .