« December 2006 | Main | February 2007 »

January 22, 2007

plan b: uber intellectualization

274725107lkagabi hindi nanaman ako pinatulog ng masidhing pagnanasang mag yosi sa kwarto. ang dilemma nga lang, kelangan ko i-risk na atakehin ng asthma ang rum mate ko kung tatamarin akong bumangon at mag yosi sa banyo. habang pinagninilayan ko kung ano ang mas makakapabor sa akin --dahil sobrang sarap na ng pagkakahiga ko sa manipis na foam ng double-deck at sigurado akong hindi  ako magkaka-pressure ulcer pag gising ko-- naisip ko ang puno't dulo ng mga problema ko.

"my ex is histrionic at borderline ako kaya nag kanda leche leche ang 'relasyon' namin." : tinext ko agad sa mga kaibigan ko. wala akong pakialam kung mababasa nila yun agad o hindi. o kung mag-react man sila o hindi.


according sa wikipedia:

histrionic: is a personality disorder which involves a pattern of excessive emotional attention-seeking, including an excessive need for approval and inappropriate seductiveness expression

borderline: charactherized by the following: Paranoid ideas, Relationship instability, Angry outbursts, affective instability, abandonment fears, Impulsive behaviour, identity disturbance, Suicidal behaviour, Emptiness.

in other words: malandi sya at naging impulsive ako. so there.

and another thing. i figured out na I AM over him, what i am not over with is this constant and nagging feeling na:

1. the humiliation na nagmuka akong naghahabol sa kanya dahil all the while na akala ko bf ko pa siya eh iba na pala ag takbo ng isip nya (a stream of thought lang: this is indicative of the  pt's (i.e. my ex's)  emotional lability, mainly because the relationship is based on shallow pretexts which causes the rapid shifting in emotions which are charactherictic of people with HPD.)

2. the paranoid idea that his ex is --to use ate ging's words-- is  feeling smug that she is better than me, ergo, i am a loser. i just hope that this is all that it is, a paranoid idea, PERO unless i get to have that 'booty' revenge my ever amusing cousin is talking about i feel like i will be developing another source of anxiety thus leading to yet another string of psychological dysfunction.

tama na, nagsimulang tagalog ang entry na to kaya tatapusin ko rin itong tagalog.

so ayon. ang kinahantungan din ng buong pagiisip ko na ito ay ang pagtayo ko sa higaan dahil kahit di kami ganun ka-close ng rum mate ko eh ayoko naman sya mag- suffer from bronchospasm. Nag yosi ako sa cr nakipagchikahan konti sa mga taong nandun at nung bumalik ako sa double-deck di ko na mahanap ang comfy na position ko nung una, pero sa awa nanaman ni papajesus nagising ako kaninang umaga ng walang bed sore.

^_^

January 13, 2007

karen f. jamora, r.n. ^_^

natapos nanaman ang isang umaatikabong lecturan sa klase kanina. and as usual iniwan nanaman ni mam sagun na increased ang anxiety level ko sa mga IR horror stories nya. Kung nag kakamali ang mga dyosang katulad nya kinakabahan na lang akong isipin kung ano ang mangyayaring kapalpakan kung ako na ang maging nurse. kahit kailan, greatest fear ko talaga (next sa mga butiki) ang makapatay ng pasyente...

417381187l_1sabi nga ni kung sino mang nag sabi non, the more you know, the more you know that you didn't know...kea eto nanaman ako ngayon depressed at lumalangoy sa dagat ng katangahan...eto na nga rin siguro ang purpose ng pagiging single ko ngayon, para maka-pag regress ako sa latent period ko in my psychodynamic development. kailangan ko ata talagang i-divert ang aking "makamundong frustrations" to more productive things. buti pa ang mga 6-year-old nafifigure out yun. masyado na kasi akong nagpapadala  sa mga hormones ko...

anyway, balik sa katangahan ko, dati hindi naman ako ganto. parang sobrang pressured lang ako ngayon. i feel na it really is a big responsibility on my part to study. hindi lang dahil dapat nung 2005 pa ako dapat grumadweyt o dahil dapat sumusweldo na ako ngayon at pinapakinabangan na bilang kasapi ng workforce, siguro dahil na din sa mga pasyente na kung makatrato sa amin sa ward eh parang mg dyos,na kung gugustuhin namin gagaling sila...parang si papajesus...it's almost blasphemous na nga eh, nakakaguilty pero totoo. sobra talaga ang tiwala at submissiveness na binibigay nila, i mean karamihan sa mga nakaencounter ko na pasyente walang pakialam kahit sigaw sigawan sila ng mga nurses don! (so much for therapeutic communication).

this time i am not only studying for myself, i am also trying to study for them. pero sadya atang tamad ako. pinanganak na nga ata akong ganto.isinisisi ko ito sa mi goreng. i have a theory na ung imported na noodles na un ang sumasabotahe sa kasipagan ko at lalong pinasisidhi ang aking kabatuganan.

well so much for rationalization. at least now in between my 13 hour sleep-capades eh i have a reason to wake up ^_^...