egg's plant
ITO ang mga lalaking pinagtangkaan kong hablutan ng talong nung christmas party namin.
masaya naman ang phallic-inspired na larong ito pero nakakainis nga lang kasi talagang naka-mindset na ako na ako na ang mananalo, hanggang third round lang pala ako. nakakasanayan ko na nga ata talagang ma-agawan (ng talong?haha) at ma-frustrate these past few days...
eto ang mechanics, malamang familiar na ang karamihan sa inyo sa medyo makamundong patakaran ng larong ito:
para lang itong trip to jerusalem, kaya lang imbis na makikipagbakbakan ka para maunang makaupo, ang gagawin mo dito ay makikipag-unahan ka sa mga babaeng katulad mo ding umiikot, sumasayaw at umaasa na sa pagtigil ng tugtog ay may talong silang hawak-hawak sa kanilang maiinit na palad.ang walang talong , talo. syempre, hindi magkasing dami ang bilang ng lalaki sa babae kaya asahan mong talagang tagisan ito ng lakas at will power para manatili sa laro.
medyo physically at emotionally demanding nga lang ang larong ito, kailangan malakas kang maniko at pwede pang makaaway mo kahit ang kaibigan mo sa pakikipag-agawan. kaya nga nagsanay pa ako para kahit aminado akong nag-deteriorate na ang aking 'talong grabing skills' (dahil hindi na ako kasing bata ng dati at mabagal na ang aking reflexes) hindi ito magiging sagabal sa aking tagumpay.
anyway, it turned out na hindi pala ang reflexes ko o ang eye-to-hand coordination ko ang may problema.kulang na pala ako sa concentration para manalo although sobrang hinangad ko ito.kasabay ng kantang boom tarat tarat na naghuhumiyaw sa background ay nakipag-kumpitensiya din sa aking utak ang mensahe na sublimely na isinusuggest ng laro ito: kung wala kang talong, talo ka.
this time siguro na-realize ko lang na 'di ko kailangan manakit ng tao at makipag-agawan para lang sa isang talong...i'd rather be single ^_^



Recent Comments