Main | December 2006 »

November 28, 2006

oo nga naman

sa isang entry ko na produkto lang naman ng kainisan dahil sa selfish wish ko na isPaauot ang sandals ko sa school, ginawa kong pang counter argument ang mga buntis na estudyante na naka uniform pagpasok sa school.

oo nga naman, it already is hard enough to be pregnant when you're young dahil hindi lang hormones mo ang ballistic, kundi pati ang buong mundong ginagalawan mo dahil daig mo pa ang nakasuot ng t-shirt na may nakaprint nang nagsusumigaw na 'immoral'. buti nga pinipilit pa rin nilang mag-aral at ipagpatuloy ang buhay matapos ng nangyari. irresponsable talaga ako kung minsan, o sige madalas. kumpara sa kagustuhan kong ipakita ang bago kong pedicure na kuko, mas malaking problema ang dinaranas nila...PERO..ang akin lang naman, kung naging bukas ang pagiisip ng pamantasan sa ganitong issue sana pati sa ga-lamok na kagustuhan kong mag sandals intindihin na rin nila...

November 26, 2006

walang galang na po atty. galang

one of these days i swear by my dead cat's grave that i am gonna grace plm's campus stark naked! Eh pootah naman sino naman kasi ang nagpasimula ng dress code na bawal ang sandals, bawal ang sleeveless, bawal LAHAT! eh kung wag na lang kaya ako mag damit?? mababawasan ba nun ang kakayahan ko mag decipher ng lessons? ewan ko kung anong klaseng kultura ng ka-plastikan nanaman ang gusto nilang i-dessiminate sa mga estudyante dahil sigurado ako na hindi naka-depende sa suot ng tao ang dignidad nya lalo na ang kapasidad niya. di ko din alam kung paano nito ina-uphold at pine-preserve and morale ng studentry eh pumapayag nga silang mag PLM uniform ang mga buntis! sheT. I WANT MY ID BACK! arggh!!!

November 20, 2006

so much for vigorous training

MORALES LOST TO PACQUIAO YESTERDAY. and i am not happy with what happened. In fact I tried to rationalize what happened by telling my momma that there MUST have been some kind of pinoy mafia of sorts in the US and that they might have kidnapped Morales' pet chihuahua or threatened to  destroy his favorite black laced underwear that lead him to give up the fight just like that.  Don't get me wrong...I was exhilirated with Manny's win, but I hate seeing people give up on fights that easily--especially if it is for something that you REALLY want.--To admit that someone is better than you without getting at least your metacarpals reduced into minute particles for trying is just plain pathetic. Imagine 3 rounds! I think Morales might think that this is a smart move (look on the bright side, his limbs are still intact and we are not looking forward to any kind of reconstructive surgery anytime soon...)but i wonder if he could still hold his head up high when he walks on the street. Well, it's his life after all and i'm not an experienced pugilist to know what is going on in this man's head but one thing is for sure...it would have been a better fight if he kept his gloves on even if this is the last thing he'd do.

November 13, 2006

my karmic partner is 5'6" and is roughly 110 lbs

One time, dahil sa init ng panahon sa bahay nag doktor-doktoran ako at kunwari ina-assess ko ang memory ng tito kong may TB meningitis. tinanong ko sya non "Tito, ano po ang X squared plus x?" Syempre dahil nga compromised na ang health ng tito ko mabagal itong sumagot, kaya kahit matagal, mataimtim ko syang tinitigan hangang maisuka nya sa akin ang sagot nya... after some time, narinig ko rin ang garalgal nyang boses na tila nainsulto pa ata dahil isa syang ECE nung araw. "E di x squared plus x!" after non, na-guilty ako na dinisturb ko pa ang mga neurons nya sa kanilang pagkakahimbing.

fast forward to 3 years...

nung katapusan  ng  nakaraang buwan habang sabog nanaman ang sense of good judgment ko at vulnerable nanaman ako sa paggawa ng mga desisyon na kalimitan sa hindi ay pinagsisisihan ko,  tinanong ako ng ex ko na itatago na lang natin sa pangalang ariel agris clutario kung pwede pa maging kami ulit. naalala ko tuloy ang sinabi ng tito ko noon. "akala mo pwede mong pagsamahin yun? x squared ung isa at x ung isa." buti na lang hindi ako masyado nagpadala sa tawag ng kamunduhan at hindi ko na tinangkang gawan pa ng sequel ang malabo naming storya ni ariel. tama na rin siguro to. hindi na kami tulad ng dati, besides, mas ok nga ngayon kahit magkasama kami magdamag, hindi kami nag aaway unlike before ultimong ung pag hilik nya na hindi din naman nya talaga mapipigil kinakairita ko. 2 months ago, i would have been blissful in the prospect na  kahit na  me ginawa akong masama just to get back at him  he is still trying to win me back. pero ewan ko din lang i have learned a long time ago na wag magsalita ng tapos PERO naniniwala din ako na lahat ng bagay may expiry date...icip karen icip.Girlthinking

pabili po ng olay total effects +

Pink nakup. eto na nga ba. kinakabahan nanaman ako. bukas bente dos na ako.

have i changed? have i learned anything in my last 21 years on earth? stagnant pa din ba ang growth ko o para nang graph ng bacterial decay?

shet. ayoko pa talagang tumanda. bawat taon dagdag problema, wrinkles, stress, pagkayamot, paninibugho, pagkapariwara. lecheng buhay to. asan ba kasi ang pause button! di ko pa nga tapos basahin ang mga subtitles (dahil minsan parang chinese variety show ang mga eksena sa buhay ko) next story na agad. slow lang talaga siguro ako these days...isa pang side effect ng pagtanda...bumobobo ka. sobrang dami kasing information na pinapasak sa utak mo wala nang space para sa mga talagang kailangan mo.

Gamot nga ulit sa anong sakit ang acyclovir? Sa kati ata ng ano...

bukas magluluto si mama ng pancit, tama na ang isang maka-carbo na pagkain para sa akin wala na munang cake o spag. I have to change. nakakasawa na to. ang problema lang ang tamad tamad ko. sana may nabibili sa super market na ipapahid mo lang o iinimuin mo lang at presto! you can be anyone you want.

gusto ko maging si pink 5.  UVA/UVB  resistant siguro ang costume nya.  buti pa siya hindi magkakawrinkles.

ayokong magka-wrinkles!!!