Sa Ilalim Ng Liwanag Ng Patay-Sinding
Traffic Lights
“…to love is the
prerogative of the brave.”
Dalawang beses na inangkin ni Jules ang
quote na ito. “Loving
is the prerogative of the brave”-juls,
‘yan ang tinitext
nya sa akin tuwing napaparanoid
ako na niloloko nya lang ako o na may babae siya. Hindi ko alam kung
mapapahiya sya pag nalaman nyang si Gandhi ay may katulad na katulad
na saloobin, o maaaring din namang hindi nya to alam, at pareho lang
talaga sila ng takbo ng utak. Ganun lang talaga siguro ‘yun,
nakaka-senti ang madalas na pagka-gutom, isa pang bagay na common
sa kanilang dalawa.
Huli kaming nagkita ni Jules sa Taft
avenue kanto ng Kalaw, mga
alas nwebe y medya ng gabi sa center
island malapit sa Times
Plaza. Uwian na ng mga tao
galing sa kung ano-anu (o sino-sino) mang tinatrabaho nila. Ayoko pa
umuwi. Buti na lang matagal dumating ang sinasakyan kong bus na Saint
Anthony kaya nag-aya muna
syang umupo saglit. Sa mga panahong iyon nakatapos na kaming maglibot
sa Robinson,
kumain ng garlic chicken steak
sa KFC,
kumuha ng picture
gamit ng kanyang camera phone,
magkwentuhan tungkol sa balak kong mag-medicine,
sa balak nyang mag pa-tunnel,
sa morality
at abortion,
stud earrings
at dangling,
sa hidden prowess
nya sa pagiging flutist
(o fluter? Hahaha), sa pagiging
overcrowded ng Baguio, sa
balak nyang magpatayo ng bahay sa Laguna, sa body
image disturbance nya dala ng
kagat ng lamok at sa transient
mental/emotional instability ko
dala ng kagat ng mas malaki pang lamok.
Umupo kami sa banketa bandang gilid ng
nagbebenta ng yosi at ng iba pang pwedeng meriendahin pag labas mo ng
office o eskwela at medyo
gutom ka o tulad namin ng mga panahong yon, pag naghihintay ng
sasakyan. Hindi ko lang maalala kung nag yosi kami nun o hindi, basta
nakaupo lang kami sa isang tabi at marahil kung iaaabot namin ang
aming mga kamay sa mga taong nagdadaan, papasa na kami bilang mga
pulubi o di kaya’y ashtray
ng mga naninigarilyo sa gilid.
Sa naaalala ko, wala atang buwan nung
gabing iyon. Naliliwanagan lang ang aming mga muka ng traffic
lights, lamp posts at ng
headlights
ng mga sasakyan na dumadaan, kaya siguro ng tiningnan ko si Jules,
cute
pa din sya kahit pagod at dugyot. Bagay sa kanya ang mahaba nyang
buhok, na kinababaliwan ko, madalas itong nakapusod at nakasuksok sa
butas sa likod ng kanyang cap.
Itim at wavy
ito at pag dating sa dulo ay kulay brown.
Tingin ko mas healthy
pa nga ito sa buhok ko dahil wala syang split
ends at alaga sa Creamsilk
pink, ang paborito naming
conditioner.
Ang buhok nyang ‘yon ang
source ng pinakamalaking
schema
nya sa akin. Hindi ko na ata kaya tumingin sa kahit sinong
long-haired
na lalaki ng ‘di ko naaalala o si Jules. Pangalawa sa madalas na
nagpapaalala sa kanya sa akin ang mga tattoo
nya. Madami syang tattoo
sa katawan, ang una mong mapapansin ang mga nakalagay sa kaliwang
braso nyang si Jack the Ripper
at ang mula siko pababa na mga alibata
characters. Meron din syang
tattoo
sa kanang paa, di ko mawari kung ano basta makulay at mukang masakit.
Ang paborito ko naman, na dinownload ko pa ang picture galing sa
friendster account nya at ginawang wall
paper ng laptop
ko, at hanggang ngayon ay
nasa database ng
photos sa aking friendster
account, ang tattoo
nya sa likod na may mata sa gitna. Kung di man buhok o tattoo,
ang manipis nyang goatie
naman, na madalas nyang hawakan pag nag-iisip ng malalim o pag may
pinoproblema, ang isa pa sa bagay na naaassociate
ko sa kanya. Kahit hindi
ma-gets
ni Tala kung bakit may fondness ako sa mga lalaking may ‘dugyot
look’,
lalo na kung mahahaba ang buhok, kuntento na akong sisihin ang mga
schemang ito.
Kaya naman ako mahilig sa mga ganung lalaki kasi they
remind me of Jules and
not the other way around. Isa
pa, tingin ko may mga taong cute
kahit minsan mukang kulang sa ligo at isa na sya dun. May anggulo sya
na hawig nya si Jhong Hilario, myembro ng Street
Boys, isang sikat na
testosterone driven dance
group noong dekada nubenta,
na naging crush
ko nung second year high
school (habang ‘yung isang
kaibigan ko naman crush si Vhong Navarro kaya naglalagay kami ng ‘H’
sa mga pangalan namin pag nagsusulat ng ‘corrected
by:’ sa mga test
papers). ‘Di ko alam kung
bakit pero nacucutean
talaga ako sa kanya ng gabing ‘yun, para na nga akong nasa high
school, kinikilig ako, at sa loob ng 7 taon hindi na normal para sa
akin ang kiligin. Naisipan kong maglambing sa kanya noon at tawagin
syang mahal o pancake
o panike o sgt.keroro o kamote o kulangot o panget o titibird
o pukebrain,
pero parang di tatablan ng pangungulit ko ang pagod nya nung mga oras
na ‘yun. Buong maghapon syang nasa lansangan at needless
to say kakulay at kalasa (oo
nilasahan ko) na nya ang polusyon ng Maynila.
Walang imik si Jules. May mga panahon na
pwede syang manalo ng mr.
friendship dahil hindi
nauubusan ng kwento, at ng jokes.
Marami syang kaibigan at magaling makisama. Naalala ko nung date
namin sa Purplephaze,
lahat ng pinakilala nya sa aking kaibigan nya generic
ang comment
kay Jules: ‘mabait yan’. ‘yung isang kalbong kaibigan nya lang
ang nag bigay ng ibang kumentaryo ng pinakilala nya ako bilang
kaibigan nya, ‘kaibigan mo Jules? Ang dami mo namang kaibigan.’
At sabay ngumiti sa akin na parang may pinapahiwatig. Kahit hindi pa
kami noon, ‘yun ang unang beses na nag selos ako at unang naging
paranoid.
Shet. Panibagong fling
nanaman ba ito? Sawang-sawa na ako sa pakikipaglandian na walang
paroroonan. Sawa na ako makipag ‘I lab u’-han. Pakipaghalikan.
Pakipagputahan. Akala ko seseryosohin na ako this
time. Fastforward
to 4 months later:
nararamdman ko pa rin ang inis, ang mga bumabagabag sa akin nung
gabing ‘yun sa tingin ko e hindi pa rin ako iniiwanan hanggang
ngayon. Kinailangan ko ng dibersyon kung gusto kong pigilan ang
impulse nagging
ko kay Jules.
Ginala ko muna ang mga mata ko sa
kahabaan ng kalsadang nasa harapan namin. 5 taon na akong nag-aaral
sa Maynila, ngayon pa lang ako magkakaroon ng schema sa lugar na ito
na may kinalaman sa pag-ibig. Ang naaalala ko lang kasi pag dumadaan
ako sa Kalaw o sa parting iyon ng Taft ay ung panahon na hinabol kami
ng mga tau gamma habang nasa jeep kami ng mga kasama ko. Kung
naabutan nila ang sinasakyan namin habang naka red
light, malamang hindi lang
pagpaparhinoplasty
ang hahangarin kong ipagawa sa muka ko pag yumaman ako.
Binaling ko ang tingin ko sa stop
lights. Berde, takbo. Pula,
hinto. Dilaw…anu nga ba pag dilaw? Ano nga ba ang nasa gitna ng
takbo at hinto? Ng pagtuloy at pagtigil? Ng pananatili at pagalis?
Ewan. Anu kaya ang mangyayari sa trapiko kung aalisin ang dilaw na
ilaw na ‘yun? pang alis momentum
lang? Kasi a
body at rest remains at rest
at baka mapasma pag biglang mag-aact
ang outside
force ng walang abiso? Pag
wala ang dilaw na ilaw, parang mag karelasyon ang pula at berdeng
ilaw. Iilaw ang pula. iilaw ang berde. Takbo. Hinto. On. Off.
Magkabati. Magkaaway. Mainit ang ulo ni Karen. Walang pakialam si
Jules. Ibalik na nga lang natin ang dilaw at
least kahit saglit na minuto
lang may oras sila para magpahinga at mag-isip kung tatakbo ba o
hihinto.
Nagkukwento na siya ngayon pero hindi
ako nakikinig. Inaantay ko kasing magyosi sya tulad ng lagi naming
ginagawa para sukatin ang mga minuto bago sya umalis. Ito ang sarili
naming bersyon ng ‘5
minutes’ kung baga sa
batang bumibili din ng minuto bago muling gisingin ng nanay nya sa
umaga. Ito din ang paborito kong delaying
tactic pag nagmamadali na
syang umalis at kinakabahan nang mahuli sa usapan at mapuna ni Joey.
Ginamit ko din ito nung hinatid nya ako sa bahay ni Evita at
nagpaalam sya na kelangan nya na umalis agad dahil may meeting pa sa
PUP o nung nasa pilahan ng jeep papuntang E. Rodriguez at nagmamadali
syang pumunta sa pagawaan ng laptop
kung saan off-limits
nanaman ako dahil sa mga hapon. Parati na lang siyang nagmamadali,
parating may meeting,
parating busy
at ang kapirangot na minuto mula pag-sindi ng stick
hanggang maabot ng baga ang filter
ang tangi kong extension.
Nung gabing yon, kahit na may lakad pa
sya at nag set
na ng deadline
na hanggang alas nwebe lang ang ‘date’
namin, at kahit alas-nwebe y medya na, di ko naalala na nagsindi sya
ng yosi. Ang naalala ko lang noon ay ang pagkaramdam ko ng konting
inis ng inutusan nya akong magmasahe ng kamay nya, at hindi ‘yun
dahil sa ayokong mautusan. Siguro kung iba pa syang uri ng lalaki,
tulad ng mga kinagisnan ko sa makulay na mundo ng ka-machohan,
mauunawaan ko pa. Minsan kasi naiisip ko na di kaya ito lang ang
tingin nya sa akin? Taga hilot ng kamay? pwedeng hiraman ng
ipod, pera,
load, pasensya, pag-unawa,
oras, atensyon, katawan at pag-ibig? Ginagamit lang ba nya ako?
Ginagamit ko lang ba sya? May katotohanan ba ang nangyayari sa amin?
May nararamdaman din ba syang kuryente pag naghahalikan kami? Alam
kaya nya na peke ang mga orgasm
ko? O na hindi pa ako nagkakaorgasm
maski minsan simula ng nag sex
kami? Nararamdaman kaya nya na sa bawat pagkikipag sex
ko sa kanya di ako maka-concentrate
dahil finifigure
out ko kung tintatakasan ba o hinahanap ba nya sa gitna ng mga ungol,
amoy ng pawis at init ng katawan ko ang alaala ni Labli? Sabagay
pareho kaming may suso at puke at kung papatayin nya ang ilaw at
ipipikit ng madiin ang mga mata mapapalampas na nya ang ibang pisikal
na pagkakaiba.
Pero, iba ako sa kanya, o baka ginusto
nya ako dahil iba ako sa kanya…sa kanila? pagod na kaya siyang
labanan ang pagiging feudal?
O napapasma na sya sa kultura ng frat at ng mga hapon tulad ng theory
ni Judy? Sabagay, minsan na nya sa aking nasabi na kaya ayaw nya ng
karelasyon na kasama kasi di sya pwede mag paka-feudal.
Tulad na lang ng mag-text
sya sa akin noon na pagod na syang maglaba ng anim na pantalon at
sana kung kasama ko sya tutulungan ko sya mag laba (meaning
ipaglaba ko sya habang
nagiging aktibo at produktibo siyang miyembro ng lipunan, ayon sa
kanyang pagkakainitindi ng esensya ng pagiging aktibo at produktibo).
Puke. Everytime nasasagi ko ang mga schema na nagpapaalala ng usapan
naming iyon naaalala ko ang isang linya sa kanta ng
rage against the machine “…like the priests that fuck you as they
whisper holy things…”
Mahirap I-over
analyze ang mga bagay-bagay
masakit lang sa utak at sa puso mas madali maglambing at magpakabobo
kasi kadalasan ‘yun ang mas rewarding
kesa makipag reglahan, kesa maging tama. Malay mo nga naman
naglalabing lang at another ‘let
me cater to you’ ng
destiny’s child moment
lang ito. Ergo,
ang ending pa
din syempre ang pagpindot-pindot ng mga daliri ko sa mga kalyo nya sa
kamay at paminsan minsang pagtitesting
kung makakaramdam ba siya ng
sakit pag dinidiinan ko ito ng kuko. Di ko alam kung sino ang
masokista at sino ang sadista sa amin pero sa mga panahong tulad nito
malinaw pa sa patay sinding ilaw ng traffic
lights na nakakahanap kami ng
comfort sa
company ng
isa’t-isa.
‘Yun lang, there
is a price to pay for being passive-aggressive.
Madalas naaangasan ko na sya ng wala sa lugar at nag sisimula na
syang maging ‘maingat’ dahil dito. Tulad ng gabing ‘yun, gusto
ko sanang yayain syang mag-motel
para makatulog siya ng maayos (tubuan na ako ng tite sa noo ‘yun
lang talaga ang gusto kong mangyari, ngayon kung may mangyari pang
iba, thank you Lourd!!!...deVeyra, para hindi blasphemous
hehe, maiba naman ang takbo ng script) pero hindi sya pumayag at para
siguro tuluyan pa akong ma turn-off
nagkwento pa tungkol sa ex
nyang nagpadale sa kaibigan nya. Eto ang theory ko:
a.) umiiwas syang masumbatan sya later
on at matawag na opurtunista
b.) di ko na talaga sya na-aarouse.
c.) both
a and b
d.)
neither a and b
(ayan na ang benefit of the
doubt na hinihingi nya tuwing
paranoia days
ko)
Bumalik nanaman ang usapan namin sa
pangarap nyang magpatayo ng kubo sa Laguna. May parte sa akin na
gustong maimbyerna dahil bakit ngayon pa sya nag-plano kung kalian
nakipaghiwalay na ako at technically
wala na syang karelasyon.
Naisip kong hindi nanaman nya sineseryoso ang desisyon ko, o pwede
din naman nalilito na sya sa gusto kong mangyari sa relasyon namin.
Makikipag-hiwalay ako pero halos wala pa ding pinagbago ang setup
namin: naghahalikan pa din kami, nagtatawagan ng mahal, nag-aaway sa
kanya-kanyang mga idiosyncrasies,
naglalambingan, nagmumurahan, nagseselosan, nagsasakitan,
nagbabastusan, nagmamahalan…commitment
lang talaga ang nawala. May parte din na gusto ko sana ma-excite
at magpabuntis sa kanya ng narinig ko iyon. Mukang seryoso sya
magkaroon ng bahay-- isang bagay na may konotasyon ng permanence
at may kinalaman sa akin. Para sa katulad kong isang babaeng ‘birhen
ang (ehem.) puso’ sabi nga ni Alice Cooper, napaka-orgasmic
ng ideyang iyon. Pero sa mga usapang tulad nito, kinakailangan ko
nang makiramdam pa kung kasama nga ba talaga ako sa plano nyang ‘yun,
na ako nga ba ang balak nyang itira dun bukod pa syempre sa mga
hapon, at kung hindi ba talk
shit nanaman ‘yun at
ginagawa nya lang as positive
reinforcement para mapaglaway
nya akong parang aso ni Pavlov. Pero, detalyado ang plano nya. Ang
bubong, pundasyon, tema ng furnishings, ang floor plan malinaw na sa
kanya kung ano ang gagawin na para bang pinag-isipan nya na itong
lahat. Sinabi nya sa akin na kung matapos daw nya ang kubo na ‘yun
nakuha na nya ang kalahati sa pangarap nya. Di ko na tinanong kung
ano pa ang isang kalahati, malamang naman may kinalaman nanaman ‘yun
sa tagumpay ng ipinaglalaban ng mga hapon.
Nang dumating na ang bus na sasakyan ko
na-tukso akong palampasin ito at hintayin na lang ang kasunod at dun
sumakay. Kaya lang, sabi nya nga, para manalo sa pakikipaglaban
kailangan handa ka harapin ang mga collateral
damage, as
usual, ‘yun ang panahon
namin na makasama ang isa’t-isa. Hinintay ko munang makaakyat lahat
ng pasaherong nakakumpol sa pintuan ng bus bago ako sumakay.
Hinalikan nya ako at nakalimutan ko for a split
second na hiwalay na nga pala
kami, wala nang commitment
pwede na sya ulit humalik ng iba. Putangina. Sa puntong ‘yun,
naisip kong makipagbalikan at angkinin syang parang poste ng Meralco
na inihian ng aso…pero lalo lang lalabo ang lahat. Paranoid
pa ako at madami pa ding
kailangan linawin at ayusin sa amin na matagal bago maresolbahan ng
paminsan-minsang pagkikita. Sa ngayon, kailangan muna naming
maghiwalay para magkasama.
Umakyat na ako sa bus kasabay ng
pag-usal niya ng mahinang ‘lab u’. Kunwari di ko narinig.
Nakakatuwa, force of habit
na lang ba nya un?
‘Mag text
ka pag nakarating ka sa bahay ha?’
Kikiligin ba ako? O Maiinsulto? Isang
sakay lang ako pauwi. Pag-baba ko sa bus na ito konting lakad lang, o
pedicab ride,
bahay na namin. Anu ba ang tingin sa akin ni Jules? Ganun na ako
ka-lumpo? Ka tanga?
‘ok’ sabi ko, sabay talikod.
‘lab u!’
Nagulat ako sa medyo napalakas na
bulalas ni Jules. Napangiti ako at lumingon. Minsan apathetic sya,
minsan din naman malambing. Nasa loob na ako ng bus at sya, nakatayo
sa labas. Tulad ng kinagawian namin, magtititigan kami hangang mawala
na kami sa line of vision
ng isa’t isa, or kung hanggang kailan masakit na sa leeg para siya
lingunin, or kung hindi ako ang naka upo sa may bintana at nakakahiya
na magkakakaway sa kinauupuan ko.
Tuluyang nawala si Jules sa paningin ko
pagkaabot pa lang ng bus sa UN. Aabot ng isang oras ang byahe ko
pauwi, nilabas ko ang ipod
video na madalas nyang
hiramin sa akin at nakinig sa ‘Fallen On Deaf Ears’ ng Urbandub.
‘…it’s time to end this love hate relation…can’t we see the
obvious, we are breaking down…’ Sana hindi mangyari sa amin ‘yun
Jules. Mas mabuti na maghiwalay habang maaga, habang di pa kami
pinapabitter
ng mga unresolved emotional
setbacks ko at ng
nakakasukang pinaghalong altruism
at egotism nya.
Magpapahinga lang kami saglit, para pag-aralan ang isa’t isa nang
walang salitang ‘relasyon’ na nagpapabigat sa amin. Dito muna
kami sa ilalim ng dilaw na ilaw. Hindi go, hindi stop. Nagpapahinga
sa saglit na kapayapaan ng pagiging kumplikado. Namimiss ko si Jules,
at mag-isa nanaman ako, pero hindi na ako nalulungkot tulad ng dati.
Nagbuntong hininga ako.
‘lab u too.’
Recent Comments